^

Metro

‘Carnap me’ para sa insurance talamak-TMG

-
Ibinunyag ni PNP Traffic Management Group director Chief Supt. Eerol Pan na posibleng talamak na ang modus operandi ng mga car owners sa pagsasagawa ng ‘carnap me’ para makatubos ng insurance ng kanilang sasakyan.

Sinabi ni Pan na dalawang kaso na ng ‘carnap me’ ang kanilang nadiskubre kasunod ng mga sunod-sunod na insidente ng carnapping at carjacking sa Metro Manila.

Pinaiimbestigahan ngayon ni Pan ang naturang mga kaso upang matiyak na totoo nga ang ulat ng carnapping at carjacking at hindi gawa-gawa lang. Lubha umanong nakakasama sa imahe ng TMG ang naturang mga ulat lalo na kung walang katotohanan.

Kabilang umano rito ang pagkakaulat ng carjack sa 2006 Mercedez Benz na may halagang P4 milyon na tinangay ng apat na armadong lalaki sa harap ng TIP sa Quiapo, Maynila noong Marso 29.

Sakay umano nito ang estudyanteng si Mark Filenberg Beran, anak ng isang police captain na nakatalaga sa MPD nang maganap ang carjacking.

Sa imbestigasyon ng TMG, lumalabas na bago pa man maganap ito ay naibenta na ng may-ari ng Benz na si Emilio Ong ang sasakyan sa isang casino financier na si Alma Gonzales noong mismong Marso 29 at nakapagbayad na ito ng isang milyon bilang paunang bayad.

Nabatid ito matapos na lumutang si Gonzales sa TMG at ipakita ang mismong deed of sale na nilagdaan ni Ong ilang katunayan ng kanilang transaksyon. (Danilo Garcia)

ALMA GONZALES

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

EEROL PAN

EMILIO ONG

MARK FILENBERG BERAN

MARSO

MERCEDEZ BENZ

METRO MANILA

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with