Payroll money holdap, 2 timbog
April 12, 2006 | 12:00am
Nagkagulo sa isang mataong lugar sa Pasig City makaraang magpaagaw ng P227,000 ang dalawang holdaper sa kalsada upang hindi makahabol ang tumutugis na pulisya, matapos holdapin ang isang empleyado kahapon ng hapon sa lungsod na ito.
Hindi pa rin nakalusot ang mga suspect na sina Jose Cafarino, 28; at Ponciano Castor, 38, ng Mandaluyong City matapos na masabat ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 ng Mandaluyong police dahil sa sinasakyan nilang motorsiklo na tinakpan ang plaka.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng hapon nang holdapin ng mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo ang biktimang si Elmer Tejolan, driver/empleyado ng Reliance Work Force and Gen. Service, sakay ng Toyota Revo, may plakang XGH-821 sa kahabaan ng Shaw Blvd. kanto ng San Miguel Avenue, Brgy. San Antonio ng lungsod na ito.
Matapos kunin ang P227,000 na pampasuweldo sana sa mga empleyado ay mabilis na tumakas ang mga ito patungong Mandaluyong subalit hinabol ng mga rumespondeng pulisya. Nang malapit nang abutan ay nagpaputok ang isa sa mga suspect at tinamaan ng ligaw na bala si Emmanuel Patasao, 16, na naglalakad sa lugar bago inihagis ang nakuhang pera sa kalsada na nakalagay sa envelope na agad namang pinagkaguluhan ng mga tao.
Minalas namang nai-flash alarm na sa lahat ng himpilan ng pulisya ang nasabing insidente at nasakote ang mga suspect matapos na mamataan ng pulis-Mandaluyong. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended