2 paslit patay sa nagliliyab na hukay
April 12, 2006 | 12:00am
Kapwa nasawi matapos ma-cremate nang buhay ang dalawang paslit makaraang mahulog ang mga ito sa anim na talampakang hukay na sunugan ng basura, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Namatay noon din sa pinangyarihan si Jimboy Toress, 13, ng Lucas Cuadra Extension, Sta Quiteria ng nabanggit na lungsod. Sunog na sunog ang katawan nito nang iahon sa malalim na hukay. Samantala, binawian naman ng buhay habang ginagamot sa intensive care unit (ICU) sa Quirino Medical Center (QMC) ang matalik na kaibigan at kapitbahay ng una na si Lorenzo Tranquena, 8.
Nabatid kay Jershom Lastimosa, head nurse ng burn department ng QMC, dakong alas-3 kahapon ng madaling-araw nang tuluyang masawi si Tranquena na nagtamo ng full sickness burn.
Ayon pa kay Lastimosa, umabot hanggang muscles at iba pang buto ng mga paslit ang natamong sunog sa katawan at mistulang na-cremate ang mga ito nang buhay.
Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na namumulot ang mga biktima ng scrap metal sa loob ng isang abandonadong gusali ng Manila Paper Mills sa Brgy. Talipapa, Quirino Highway sa Caloocan City nang biglang madulas ang mga ito at mahulog sa 6-na-talampakang hukay na pinagsusunugan ng basura.
Nagawang makakapit ni Traquena Jr. sa gilid ng hukay at nagawang mailigtas ng kanyang ama at maisugod sa pagamutan, habang tuluy-tuloy namang nahulog at natusta si Toress.
Umabot ng 12-oras na nasunog ng apoy si Toress bago ito tuluyang makuha ng mga nagrespondeng rescue team.
Isang malalim na palaisipan naman sa mga residente kung sino ang gumawa ng malalim na hukay na ginawang sunugan ng basura.
Napag-alaman pa na isang taon nang inabandona ng Manila Paper Mills ang nasabing gusali.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa kaugnay sa nasabing insidente kung may dapat panagutin sa naturang insidente ng kapabayaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended