Holdaper nakalusot sa dragnet ng QCPD
April 11, 2006 | 12:00am
Nalusutan ng nag-iisang holdaper ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) na nakorner na sana nila sa may Araneta Avenue, kahapon ng tanghali.
Sa umpisa, inakalang panibagong insidente ng carjack ang naganap makaraang tutukan ng nag-iisang suspect ang magtiyahing Elainne Go, 36; at ang pamangkin nitong si Cedric Cheng, 8, habang lulan sa kanilang kulay asul na Honda Civic na may plakang UNL-106 at nagpapakarga ng gasolina sa Caltex Gasoline Station.
Bigla umanong lumapit sa sasakyan ng mag-tiya ang suspect at tinutukan ang mga ito ng baril. Pumasok sa kotse at saka inagaw ang manibela. Sa puntong iyon ay ilang saksi na ang mabilis na nakapagsumbong sa Police Community Precint ng Galas Police Station dahilan upang rumesponde ang mga ito.
Kaagad na dumating sina SPO2 Jaime Villedo at PO1 Jorge Santiago hanggang sa nagkaroon ng tutukan ng baril. Hindi umano nagawang makalapit ng mga pulis sa suspect dahil tinutukan nito ng baril ang biktimang si Cheng saka mabilis na pinasibat ang sasakyan.
Tinangkang humabol ng mga pulis, ngunit naiwan sila sa naturang car chase dahil sa isang Tamaraw FX lamang ang dalang patrol mobile ng mga pulis at hindi umabot sa kotse ng biktima.
Nakalusot din sa dragnet ng pulisya ang suspect.
Inabandona umano ng suspect ang sasakyan ng biktima sa Bocaue Exit ng North Luzon Expressway. Dala nito ang P8,000 cash at mamahaling cellphone ng biktima. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended