Alitan tinapos sa duwelo, kapwa todas
April 11, 2006 | 12:00am
Duwelo sa patalim ang naisip na solusyon ng dalawang astig na lalaki upang tapusin ang matagal na nilang alitan dahilan upang kapwa masawi ang mga ito, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Mark Anthony de Vera, 31, ng Doña Consuelo St., samantalang nasawi naman habang isinusugod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang ka-duwelo nito na si Conrado Sabaot, 42, residente ng Zamora St. kapwa ng nabanggit na lungsod.
Batay sa nakalap na impormasyon kay Chief Inspector Jose Valencia, hepe ng Caloocan-SID, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng barangay hall sa Brgy. 19 ng Caloocan City.
Bago ang insidente, kasalukuyang nagdidilig umano ng halaman si de Vera nang biglang dumating si Sabaot na armado ng patalim at hinamon nito ng duwelo sa patalim ang una.
Hindi naman nagdalawang isip si de Vera at tinanggap ang hamon ni Sabaot, hanggang sa tuluyang maggirian ang mga ito.
Unang tinamaan si de Vera subalit nagawa pa nito na makapagbunot ng kanyang patalim at masaksak si Sabaot sa dibdib, Ilang segundo pa ay kapwa duguang bumagsak sa lupa ang dalawa.
Ilang kaanak ng dalawang nasawi ang nagsugod sa mga ito sa magkahiwalay na pagamutan subalit kapwa minalas na masawi.
Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa sa hindi binanggit na dahilan. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am