300 kilo ng double dead meat nasamsam
April 10, 2006 | 12:00am
Nagbabala ngayon ang Manila Police District (MPD), sa mga mamimili sa palengke sa Maynila makaraang makumpiska ang tinatayang nasa 300 kilo ng mga double dead meat, kamakalawa ng gabi sa Divisoria, Maynila.
Inaresto naman ang tatlo na kalalakihan na naaktuhang nagtitinda ng nasabing mga karne na kinilalang sina Christopher Paule, 31; Danilo San Jose, 26 at Diosdado Rosario, 30.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang madiskubre ang naturang mga karne na itinitinda sa panulukan ng C. M. Recto St. at Ilaya ng Divisoria.
Agad na dinala ang mga nasamsam na karne sa Veterinary Inspection Board ng BFAD sa Vitas, Tondo, Manila, habang nakatakdang sampahan ng kasong illegal slaughter ang mga naaresto. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended