67 bilanggo grumaduate sa QC jail
April 9, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 67 bilanggo sa Quezon City jail ang nagsipagtapos sa 8-months alternative learning system na magkatuwang na isinagawa ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay QC Jailwarden Supt. Ignacio Panti, limamput-dalawa sa secondary level at 15 estudyante naman sa elementary level ang napagkalooban ng certification na nagpapatunay na kanilang natapos ang kanilang pag-aaral sa nasabing level.
Aniya, patunay lamang ito na kaya pa ring tapusin ng mga inmates ang kanilang pag-aaral bagamat nasa likod sila ng rehas na bakal.
Sinabi ni Panti na nagbigay pa ng P30,000 si Mayor Belmonte para sa karagdagang instructional materials upang mapag-aralan ng mga inmates at mabigyan ng accreditaton at equivalent tests para sa susunod na level ng kanilang pag-aaral.
Nabatid naman kay Belmonte na handa siyang tulungan ang QC jail partikular na ang mga inmates na nagnanais na makamit ang kanilang pangarap bagamat nasa loob ng kulungan.
Kailangan pa rin umano ng mga bilanggo na harapin ang kanilang mga kaso habang patuloy naman silang natututo mula sa ibat ibang proyekto ng lokal na pamahalaan at ng BJMP.
Umaasa rin si Mayor Belmonte na marami pang mga inmates na hindi nag-atubiling itulog ang kanilang pag-aaral sa loob ng piitan para kahit papaano ay matupad ang kanilang pangarap. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended