Pulis todas sa ambush
April 8, 2006 | 12:00am
Patay ang isang pulis makaraang tambangan at pagbabarilin ito ng tatlong armadong kalalakihan habang papasok sa kanyang trabaho, kahapon ng hapon sa Marikina City.
Agarang namatay sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 baril sa ulo at katawan ang biktimang si PO1 Pepito Manalo Salazar, 37, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Mobile Group at residente ng Chicharo St., Bulelak, Brgy. Malanday, ng lungsod na ito.
Samantala, agad namang tumakas na naglalakad lang ang tatlong kalalakihang suspect na pawang armado ng kalibre .45 baril.
Ayon kay Sr. Insp. Earl Castillo, hepe ng Malanday police, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng hapon sa kahabaan ng Bulelak, nasabing barangay.
Nabatid na papasok sa trabaho ang biktima, sakay sa kanyang owner-type jeep nang biglang sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ang biktima.
Nang masiguro nang patay ang target ay parang walang nangyaring umalis na naglakad lang palayo ng nasabing lugar ang mga ito. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng naturang pananambang. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am