Teacher itinumba ng 2 armado
April 8, 2006 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi nakikilalang lalaki ang isang high school teacher, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang guro na si Teodulo Gonzales, 45, ng Molino, Bacoor, Cavite at nakatalaga sa Taguig National High School sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa kahabaan ng Mariano St., Purok 3, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.
Nabatid na nakaangkas ang biktima sa isang pampasaherong tricycle nang biglang sumulpot ang mga armadong suspect at ng tumigil ang sasakyan ay agad itong pinagbabaril hanggang sa bawian nang buhay.
Sa kasalukuyan ay blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpaslang habang isang manhunt operation naman ang isinasagawa laban sa mga salarin. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended