Eddie, Annabelle at Ruffa kinasuhan ng tax evasion
April 8, 2006 | 12:00am
Ipinagharap ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice (DoJ) ang pamilya Gutierrez na kinabibilangan ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at anak na si Ruffa Gutierrez-Bektaz .
Ayon sa BIR, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nabigo ang Royale Era, kompanyang pag-aari ng pamilya Gutierrez na magbayad ng kanilang income tax return sa kabila ng pagpo-produced nito ng ilang pelikula at maging sa telebisyon sa loob ng taong 1998-2002.
Sinabi ng BIR na ang sunud-sunod na taong hindi pagbabayad ng ITR ng nasabing kompanya ay maituturing na isang pananadya at lantarang paglabag sa batas, sa kabila ng katotohanan na kumita ito sa mga nabanggit na taon. Nabigo rin umano ang Royale Era na magbigay ng tama at eksaktong impormasyon sa BIR dahil sa pagsasagawa nito ng under-declaration ng tunay na kinita nito sa loob ng taong 2003-2004.
Tinatayang mahigit sa tatlong milyon ang sinasabing hindi nabayarang buwis ng mag-anak na Gutierrez.
Samantala, nanawagan ang BIR sa mga kompanya at indibiduwal na isumite na sa kanilang tanggapan ang annual income tax returns para sa taong 2005 at ng kanilang quarterly income tax para sa first quarter ng 2006. (Grace Amargo dela Cruz at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended