^

Metro

Trader tumalon sa flyover, lasog

-
Lasug-lasog ang katawan ng isang lalaking negosyante makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa flyover at masagasaan pa ng anim na sasakyan, kabilang ang isang trak at pampasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Kinilala ang biktimang si Pepito Ignite, nagba-buy and sell ng mga gulay at residente ng 704 Maligaya St., Riverside II, Cainta, Rizal.

Sa imbestigasyon ni PO2 Edmundo Fabella, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa Crossing flyover na matatagpuan sa kanto ng Shaw Blvd. at Edsa sa nabanggit na lungsod.

Nabatid sa ilang saksi na umakyat sa steel railings ng flyover ang biktima saka bigla itong tumalon at bumagsak sa southbound lane ng Edsa Crossing underpass.

Eksakto namang pagbagsak ng biktima ay magkasunod na nasagasaan ito ng humahagibis na mga sasakyan kabilang ang isang ten-wheeler truck at pampasaherong bus kaya tuluyang nagkalasug-lasog ang katawan nito na nagkalat sa kalsada.

Sa panayam naman sa pamilya ng biktima, sinabi ng mga ito na patungong Cubao si Ignite upang sunduin ang kanyang anak at hindi nila alam kung bakit ito napunta sa Mandaluyong. Gayunman inamin nila na nitong nakalipas na mga araw ay parang laging tulala at mukhang may mabigat na problema itong dinadala.

Kasalukuyang nag-iimbestiga ang pulisya upang mabatid kung may foul play sa nasabing insidente.

Samantala, isang misis din ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng paglason sa sarili makaraang pahintuin ito ng kanyang mister sa paninilbihan bilang waitress sa isang beer house, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Adoracion Paloma ng Block 16 PAMA-SAWATA, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod. Nabatid na dakong alas-11:45 ng gabi nang matagpuan sa kuwarto ang ginang na bumubula ang bibig.

Nauna rito, nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang nasawi sa kanyang mister dahil sa pinatitigil nga ng huli ang una sa pagtatrabaho sa beer house. Isang bote ng silver cleaning solution o cyanide ang ginamit ng biktima sa paglalason. (Edwin Balasa at may dagdag na ulat ni Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ADORACION PALOMA

CALOOCAN CITY

EDMUNDO FABELLA

EDSA CROSSING

EDWIN BALASA

MALIGAYA ST.

MANDALUYONG CITY

NABATID

PEPITO IGNITE

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with