4 pulis sinibak sa pagtatanim ng ebidensiya
April 7, 2006 | 12:00am
Sinibak ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa serbisyo ang apat na Pateros police na naka-assign sa Drug Enforcement Unit (DEU) dahil sa pagtatanim ng ebidensiya upang makapangikil sa hinuling suspect.
Iniharap ni DILG Secretary Ronaldo Puno ang mga pulis na sina SPO2 Arthur Velasco, PO1 Vinboy Pacamara, PO1 Efren Patchicoy at PO1 Antonio Zinampao.
Base sa rekord ng DILG, pinasok ng grupo nina Velasco ng Pateros-DEU ang tahanan ng hinihinalang big-time drug pusher na si Dennis Gonzales na walang search warrant. Nang hindi nila inabutan si Gonzales, ipinasya ng mga pulis na umalis subalit makalipas ang limang minuto ay bumalik ang mga ito dala ang sachet ng shabu na binili umano nila sa live-in partner ni Gonzales na si Ma. Anna Encinar.
Hiningan dito ng mga pulis ng P50,000 si Encinar kapalit ng hindi paghaharap ng kasong kriminal.
Ayon kay Puno, mahigpit na ipinagbabawal ang planting of evidence upang makapangikil lamang ng pera mula sa isang sibilyan.
Sa katunayan aniya, marami pa rin siyang pinamo-monitor na records ng mga pulis upang malinis na ang hanay ng kapulisan lalo na sa mga police station na nang-aagrabyado ng mga maliliit na tao. (Doris Franche at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am