Sekyu utas sa sariling baril
April 7, 2006 | 12:00am
Patay ang isang guwardiya matapos na mahulog at aksidenteng pumutok sa kanya ang sariling baril, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Isang tama ng bala ng .38 kalibre na baril ang tumama sa dibdib at naging sanhi ng kamatayan ni Rolly Lucero, 31, ng Interior Victory Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City at nakadestino bilang security guard ng Saint Nicole Security Agency.
Ayon kay SPO1 Jun Mortel, desk officer ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa CR ng security outpost sa Roseville Town Homes sa no. 33 Samar Avenue, Brgy. West Triangle, Quezon City.
Ayon sa ulat, naka-duty umano ang biktima nang maisipan nitong maglinis ng CR. Ilang sandali pa ay nakarinig na ng putok ng baril ang kasamahan nitong guwardiya na si Vergel Agustin.
Mabilis nitong tinungo ang kinalalagyan ng biktima at doon nakita na itong duguan at nakahandusay, isinugod pa ito sa pagamutan subalit hindi na rin nakaligtas sa kamatayan.
Base sa teorya ng pulisya posibleng nahulog ang baril ng biktima habang ito ay nakayuko at minalas nang pumutok ay tumama sa kanyang dibdib.
Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman kung may naganap na "foul play" sa naturang insidente. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am