^

Metro

Number coding suspendido na

-
Simula sa araw na ito Abril 6 ay sisimulan ang suspensyon sa Unified Vehicular Volume Reduction program (UVVRP) o ang number coding sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila na tinatayang tatagal sa loob ng dalawang buwan.

Ito ay matapos na aprubahan ng 14 na alkalde ng Metro Manila ang nasabing resolution bilang pagpayag para sa pagpapatupad ng suspension ng number coding.

Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando, majority sa mga Metro Mayors ay hindi tumututol sa nasabing hakbangin. Nabatid na tanging sina Makati City Mayor Jejomar Binay, Manila Mayor Lito Atienza at Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang hindi lumagda sa naturang resolution.

Ang naturang hakbangin ay naging panukala ni Chairman Fernando matapos ang ginawang pag-aaral na sa tuwing magsasara ang klase, 30 porsiyentong nagkakaroon ng kabawasan sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ang suspension sa number coding ay tatagal hanggang Hunyo 2.

Pinanindigan naman ng pamahalaang lungsod ng Makati na hindi suspendido sa kanila ang number coding at tuloy ang panghuhuli dito sa mga lalabag. (Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

KALAKHANG MAYNILA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

METRO MANILA

METRO MAYORS

MUNTINLUPA MAYOR JAIME FRESNEDI

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with