6-buwan buntis nalitson sa sunog
April 6, 2006 | 12:00am
Nalitson ang isang anim-na-buwang buntis makaraang tupukin ng nagngangalit na apoy ang humigit-kumulang sa 100 kabahayan, kahapon ng hatinggabi sa Taguig City.
Nasawi noon din at halos hindi na makilala ang biktimang si Gina Dehomo, 24, ng PNR Site, Brgy. Western Bicutan ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-12:43 ng hatinggabi sa bahay ni Linda Dehomo matapos na sumabog ang isang kusinilya.
Mabilis na kumalat ang apoy sa kalapit kabahayan at tinatayang 70 pamilya ang nawalan ng bahay.
Sinabi pa sa ulat na matapos na mailigtas ng ginang ang dalawa niyang anak ay bumalik ito sa bahay para magdala ng ilang gamit subalit hindi na ito nakalabas pa hanggang sa makita ang sunog na bangkay nito.
Tinatayang aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa naganap na sunog. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended