Parañaque ambush: 2 patay, 1 sugatan
April 6, 2006 | 12:00am
Dalawa ang nasawi, samantalang isa ang nasa malubhang kalagayan makaraang ambusin ang mga ito ng tatlong armadong kalalakihan, kahapon ng tanghali sa Parañaque City.
Patay na nang idating sa Parañaque Medical Center ang mga biktimang sina Vic delos Reyes at Danilo Elfa, habang sugatan naman ang kasama nilang abogado na si Atty. Roel Asubar.
Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen sakay sa isang pampasaherong jeep na walang plaka.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:10 ng tanghali sa kahabaan ng Sun Valley 2, panulukan ng Sucat Road, Brgy. Sun Valley ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na katatapos lamang ng mga biktima na dumalo sa kanilang hearing sa korte na may kinalaman sa usapin sa lupa nang maganap ang krimen.
Sakay ang mga ito ng isang Mazda na may plakang ADN-718 at habang binabagtas ang kahabaan ng Sun Valley ay bigla silang hinarang ng isang pampasaherong jeep na dito sakay ang tatlong suspect.
Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ng mga suspect ang sasakyan ng mga biktima at ilang saglit pa ay mabilis na nagsitakas.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at ang pagtugis sa mga suspect. Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa usapin sa korte na dinaluhan ng mga biktima ang motibo sa naturang ambush. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended