^

Metro

Ex-convict nang-hostage ng coed

-
Matapos na maburyong makaraang mabigo sa panghoholdap, minabuti ng isang ex-convict na isang buwan pa lamang nakakalaya sa bilangguan ang mang-hostage ng isang kolehiyala sa loob ng isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Makaraan ang 30 minutos na negosasyon ay napasuko naman ang suspect na si Roberto Faller, 33-anyos, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng 358 Parcel St., Sta. Ana, Maynila.

Bukod sa trauma ay ligtas namang nabawi ang biktimang si Cristy Montemayor, 19-anyos, 3rd year college student ng Polytechnic University of the Philippines at residente ng Mandaluyong City.

Sa ulat ng MPD-Station 8, dakong alas-7 ng gabi nang sumakay ang suspect sa isang pampasaherong jeep sa Valenzuela St., Sta. Mesa, Manila. Napurnada umano ang balak na panghoholdap ng suspect sa isang lalaki na nagresulta naman para habulin siya ng taumbayan.

Nagawang mang-agaw ng suspect ng isang bisikleta at sumakay ito sa isang pampasaherong jeep na sinasakyan naman ng biktimang si Montemayor.

Minabuti ng suspect na tutukan ng patalim at i-hostage ang biktima upang gawing pananggalang sa mga humahabol sa kanya.

Napasuko lamang ang suspect makaraang pagbigyan ng mga rumespondeng pulis ang kanyang kahilingan na makausap ang isang Brgy. chairman Alfredo Calonsag. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALFREDO CALONSAG

CRISTY MONTEMAYOR

DANILO GARCIA

ISANG

MANDALUYONG CITY

MAYNILA

PARCEL ST.

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ROBERTO FALLER

VALENZUELA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with