Dakong alas-10:20 ng umaga nang simulang hukayin ang isang parte sa mahigit 1,000 metro kuwadradong lupa na kinatitirikan ng shabu market upang makuha ang labi ng isang nagngangalang Bernardo na ayon sa isang babaeng saksi ay inilibing nang buhay noong Nobyembre 2005.
Sa rekord ng pulisya na noong Oktubre 2005 ay naaresto ng pulisya si Bernado at nakipagtulungan pa ito sa mga awtoridad sa pagturo sa mga miyembro ng sindikato na nagpapakalat ng droga sa nasabing lugar.
Lingid sa kaalaman ni Bernardo ay kabilang pala sa sindikato ng iligal na droga ang mga pulis na humuli sa kanya.
Si Bernardo ay isinimento nang buhay at inilagay sa loob ng isang drum. Ayon pa sa saksi na marami pang pinatay ang sindikato ng droga at inilibing sa loob ng compound na kinatitirikan mismo ng shabu market. (Edwin Balasa)