Kinilala ni PDEA Director General Anselmo Avenido Jr., ang suspect na si Aida Baybayan na residente ng #69 Gutierrez Compound, Taguig City.
Ayon kay Avenido, dakong alas-9 ng gabi nang masakote ng Special Enforcement Unit ng PDEA sa pamumuno ni P/CInsp. Jaime Santos ang suspect sa loob ng Wendys Restaurant sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Nabatid na isang tauhan ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer na binentahan naman ng suspect ng kanyang dalang marijuana kapalit ng P50,000 marked money.
Agad na inaresto ang suspect at nang suriin sa rekord ng PDEA ay lumalabas na kabilang ito sa order of battle ng nasabing ahensiya. (Joy Cantos)