Killer ng call center employee, arestado
April 5, 2006 | 12:00am
Naaresto na ng pulisya ang isa sa tatlong holdaper na pumaslang sa isang 27-anyos na empleyada ng isang call center, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspect na si Ryan Concuera alyas "Boy Mental", 22-anyos, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik na may nakabimbing ibat ibang kaso sa pulisya.
Ayon kay P/Supt. Romeo Abaring, officer-in-charge ng Pasig City Police, naaresto ang suspect dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng bahay nito sa #084 Rodriguez Compound, Tramo, Brgy. Rosario, Pasig City.
Ang suspect ay naaresto makaraang positibo itong mamukhaan ng driver at mga pasahero ng pampasaherong Mitsubishi Adventure na sinakyan ng biktimang si Charlene Santos, empleyada ng Info XX Call Center na may tanggapan sa Ayala, Makati City.
Ang biktima ay binaril sa ulo ng mga suspect makaraang tumanggi itong ibigay sa mga huli ang kanyang cellular phone.
Kasong murder at robbery ang kinakaharap na kaso ngayon ng naarestong suspect, habang patuloy namang isinasagawa ng pulisya ang manhunt operation laban sa dalawa pa nitong mga kasamahan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest