4 kilabot na robbers-on-wheels nasakote
April 5, 2006 | 12:00am
Arestado ang apat na mga pedicab driver na pawang mga kilabot na miyembro ng robbers-on-wheels makaraang maaktuhan ito sa isinagawang night watch operation ng Northern Police District (NPD), na hinoholdap ang isang ginang, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Iprinisinta kahapon ng umaga ni NPD director Police Chief Supt. Leopoldo Bataoil kay NCRPO Regional Director Vidal Querol ang mga suspect na sina Alejandro Rosario, 22; Rene Salvador, 20; Eric dela Cruz, 20; at Kenjie Orence, 18, na pawang mga residente ng PNR Dormitory, Sangandaan, Brgy. 5, nasabing lungsod.
Batay sa ulat ni PO2 Albert Eustaquio, may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa harap ng Sangandaan Public Market na matatagpuan sa Samson Road, Caloocan City.
Sa pahayag ng biktimang si Ruth Allosada, 30-anyos, residente ng Torres Bugallon St., Brgy. 5, Caloocan City, kasalukuyan siyang nag-aabang ng masasakyan sa nasabing lugar kasama ang isang Ronnie Binaoro, 25-anyos nang bigla silang pinaikutan ng mga suspect na pawang nakasakay ng kani-kanilang mga pedicab.
Nagsilbing look-out umano ang dalawa sa mga suspect, habang ang isa sa kanila ay agad na sinapak si Binaoro at kinuha ang back-pack nito.
Kinuha rin ng mga suspect ang 8210 na cellular phone ni Allosada at ang P600 cash money nito.
Masuwerte naman na naispatan ng nagpapatrulyang pulis ng Night Watch Operatives ang nasabing insidente kung kayat agad na inaresto ang mga suspect.
Napag-alaman na modus-operandi ng mga suspect ang magkunwaring namamasahero gamit ang kani-kanilang mga pedicab subalit kapag nakahanap ng tiyempo ay hinoholdap ng mga ito ang kanilang mga pasahero. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended