^

Metro

2 carjacker na napatay miyembro ng ‘Doce Pares’

-
Miyembro ng kilabot na "Doce Pares Gang" ang dalawang carjacker na napatay sa shootout sa Rodriguez, Rizal, ito ang napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya.

Ayon kay Supt. James Brillantes, hepe ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID), pinapunta niya ang kanyang mga tauhan sa barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal kung saan nagkaroon ng shootout na ikinamatay ng dalawang carjackers at nalaman nila na kasama ang mga ito ni PO2 Arnel Adto, nakatalaga sa Regional Holding Group ng NCRPO.

Nabatid na naaresto noong Marso 29 habang sakay ng isang pampasaherong bus patungong Bulacan matapos na positibong ituro ng biktimang si Necita Orijula na tumangay ng kanyang Toyota Fortuner noong Marso 25 sa kanto ng Del Monte at Matutong Sts. sa Quezon City.

Nabatid sa biktima na kasama ng dalawang napaslang na carjacker sina Adto at PO1 Joel Tapec, lider ng kilabot na Doce Pares Gang na ang karamihang miyembro ay mga tiwaling pulis, ng tangayin nila ang nasabing sasakyan.

Dagdag pa ni Brillantes na magkasama din sina Adto at Tapec ng carjackin ng mga ito ang isang Mitsubishi Adventure noong March 23 sa tapat ng McDonalds sa kahabaan ng Marcos Highway sa Marikina City noong Marso 23 ng madaling-araw.

Si Adto ay iniharap na kamakailan sa mga mamamahayag matapos na positibong ituro ng kanyang mga naging biktima. Dinakip ito habang sakay ng Five Star Bus sa Bulacan.

Matatandaang ang Doce Pares ay sangkot sa malalaking holdapang naganap ng nakaraang taon sa lungsod ng Mandaluyong, Pasig at kalapit bayan sa Rizal kung saan ang mga biktima ng mga ito ay kanilang pinapatay.

Nahuli ang tatlo sa mga miyembro ng nasabing grupo na pawang pulis ng Eastern Police District (EPD) ng holdapin nila ang mag-asawang negosyante sa Cainta, Rizal at mapatay ang 1-anyos na anak ng mga ito.

Nabatid pa ng uminit ang grupo sa robbery hold up ay luminya ang mga natirang grupo sa carjacking hanggang sa maaresto si Adto habang nananatiling madulas pa rin si Tapec.

Ang dalawang miyembro na napatay sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng umaga ay matapos na manlaban at makipagpalitan ang mga ito ng putok sa pulisya nang maabutan ang mga ito na pinipinturahan ang isang na-carjack na taxi.

vuukle comment

ADTO

ARNEL ADTO

BULACAN

DEL MONTE

DOCE PARES GANG

MARSO

NABATID

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with