Inilipat na sa QCPD-District Anti-Illegal Division ang mga dinakip na sina Dr. Wilson Pajarillo, 46 ng no. 38 Dacton St., Filinvest, Cainta, Rizal; Mario Guimiran, 43, residente ng no. 58 Rivera St. San Roque 2, Pag-asa, Q.C.; Rey Ilanos, 48, Ding Lubagan, 35 at Fe Navarrette, 44 pawang mga naninirahan sa no. 20 Rivera St. Pag-asa, Q.C. at Vicente Carnihan,34 ng Alcoy St. San Roque 2, Brgy. Pag-asa, Q.C.
Sa report ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng Baler Police Station, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang bahay ni Lubagan dakong alas-10:30 ng gabi noong Marso 30 matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa ginagawang pot session ng mga ito.
Dito ay nahuli sa akto ng mga pulis sa pangunguna ni Sr. Insp. Erwin Guevarra ang anim na humihitit ng shabu gamit ang isang improvised tooter.
Kasunod nito, minabuti ng mga awtoridad na kapkapan ang mga ito kung saan nakuha ang ilang sachet ng shabu at cal. 38 revolver kay Lubagan.
Ang anim ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 habang si Lubagan ay kakasuhan din ng Ilegal Possession of Firearms and Ammunition sa QC Prosecutors Office. (Doris Franche)