^

Metro

Doktor, 5 pa huli sa pot session

-
Arestado ang isang doktor at lima pang katao nang mahuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Baler Police Station sa aktong nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang bahay sa Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Inilipat na sa QCPD-District Anti-Illegal Division ang mga dinakip na sina Dr. Wilson Pajarillo, 46 ng no. 38 Dacton St., Filinvest, Cainta, Rizal; Mario Guimiran, 43, residente ng no. 58 Rivera St. San Roque 2, Pag-asa, Q.C.; Rey Ilanos, 48, Ding Lubagan, 35 at Fe Navarrette, 44 pawang mga naninirahan sa no. 20 Rivera St. Pag-asa, Q.C. at Vicente Carnihan,34 ng Alcoy St. San Roque 2, Brgy. Pag-asa, Q.C.

Sa report ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng Baler Police Station, sinalakay ng kanyang mga tauhan ang bahay ni Lubagan dakong alas-10:30 ng gabi noong Marso 30 matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa ginagawang pot session ng mga ito.

Dito ay nahuli sa akto ng mga pulis sa pangunguna ni Sr. Insp. Erwin Guevarra ang anim na humihitit ng shabu gamit ang isang improvised tooter.

Kasunod nito, minabuti ng mga awtoridad na kapkapan ang mga ito kung saan nakuha ang ilang sachet ng shabu at cal. 38 revolver kay Lubagan.

Ang anim ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 habang si Lubagan ay kakasuhan din ng Ilegal Possession of Firearms and Ammunition sa QC Prosecutor’s Office. (Doris Franche)

ALCOY ST. SAN ROQUE

BALER POLICE STATION

BRGY

DACTON ST.

DING LUBAGAN

DISTRICT ANTI-ILLEGAL DIVISION

DORIS FRANCHE

LUBAGAN

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with