2 sugatan sa holdap
April 2, 2006 | 12:00am
Kapwa malubhang nasugatan ang dalawang kawani makaraang pagbabarilin ang mga ito ng isang grupo ng mga holdaper na kanilang hinabol matapos manloob sa kanilang opisina at makatangay ng halagang P.3 milyon payroll money, kamakalawa sa Muntinlupa City.
Ginagamot sa Asian Hospital ang mga biktimang sina Michael Peña, 41; at Cliff Bautista, 21, kapwa stay-in worker sa Hauling Trucking Corporation, na matatagpuan sa Lot 35, Kilometer 23, West Service Road, Brgy. Cupang, ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ang mga ito ng tama ng bala sa kani-kanilang katawan buhat sa kalibre .45 baril.
Tumakas naman ang apat na hindi pa nakikilalang mga suspect na pawang nakasuot ng camouflage, puting t-shirt at mga naka-army cut.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa nabanggit na tanggapan.
Pumasok ang tatlong suspect sa loob at hinahanap ng mga ito si Celso Verhide, 37, isa ring kawani roon. Nang hindi makita ay sabay na tinutukan ang iba pang mga kawani. Samantala, ang pang-apat na suspect ay nagsilbing look-out.
Natangay ng mga suspect ang halagang P300,000 na payroll money na ipapansuweldo sana sa mga empleyado roon.
Habang papatakas ang mga holdaper, hinabol ang mga ito ng mga biktimang sina Peña at Bautista, dahilan upang pagbabarilin ang mga ito ng mga suspect. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am