Dahil ditoy sinuspinde ng BI ang pagpoproseso ng application sa pagbibigay ng accreditation sa mga language schools sa bansa dahil sa pagdami umano ng mga colorum language learning centers sa Metro Manila at katabing lalawigan.
Sinabi ni BI Executive Director Roy Almoro na ipinag-utos na ni BI Commissioner Alipio Fernandez Jr. sa BI Student Desk na ihinto ang pag-iisyu ng nasabing application at permit ng naturang paaralan. Subalit ipinaliwanag ni Almoro na ang naturang suspension order ay hindi sakop ang mga paaralan ng kolehiyo, unibersidad at mga schools of higher learning na kinikilala ng pamahalaan at may akreditasyon sa BI.
Dahil din sa paglobo ng bilang ng mga colorum language schools ay bubuo ang BI ng Special Task Force laban sa mga ito na kinabibilangan ng mga immigration legal officers at intelligence operatives na siyang huhuli sa mga ito. (Grace Amargo-dela Cruz)