Holdaper dedo sa shootout
April 1, 2006 | 12:00am
Patay ang isang holdaper na miyembro ng Bahala na Gang matapos na makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang nakatakas naman ang mga kasamahan nito makaraang mangholdap sa isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Novaliches General Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa tiyan ang suspect na si Jhave Villar, alyas Nognog, 24, residente ng Bagong Landas, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.
Iniimbestigahan naman ngayon ng pamunuan ng Quezon City Police District ang naka-engkuwentrong mga pulis na sina PO3 Aniceto Herman, PO1 Cesar Collado at PO1 Fernando Salonga, pawang nakatalaga sa QCPD-Novaliches Station 4.
Batay sa paunang ulat, naganap ang insidente sa tapat ni Millionaires Village sa Brgy., San Agustin, Novaliches.
Nabatid na una rito, hinoldap ni Villar at mga nakatakas nitong kasamahan ang isang pampasaherong jeep habang binabagtas ang kahabaan ng Susana Road saka tinangay ang mga cellphones at mga pera ng mga biktima.
Agad nakapag-report ang mga biktima sa pulisya bunsod upang rumesponde ang mga nabanggit na pulis at naabutan pang naglalakad ang mga suspect. Nakatunog naman ang mga suspect at pinaputukan ang mga pulis dahilan naman para gumanti nang pagpapaputok ng baril ang mga awtoridad na dito tinamaan ang suspect na si Nognog, habang mabilis na nakapuga ang kanyang mga kasamahan. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended