Killers ni Umale at Marasigan, iisang grupo?
April 1, 2006 | 12:00am
Posible umanong iisang grupo ng gunmen ang pumatay sa negosyanteng si Leandro Umale at Police Major Renato Marasigan matapos na lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na iisa ang estilo ng mga ito at hindi nagkakalayo ang mga itsura sa ipinalabas na cartographic sketch batay sa mga saksi.
Dahil dito, hiniling ni Pasig City Police Officer-in-Charge (OIC) Sr. Supt. Romeo Abaring sa crime laboratory ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni C/Supt. Ernesto Belen na i-cross match ang mga basyong bala na nakuha sa dalawang insidente ng patayan.
"Kaparehong guwapo ang mga gunmen, mga bata at apat ang tirador na gumagamit ng .45 caliber na baril, iisa ang style, sa ulo ang banat nila," paliwanag ni Abaring.
Matatandaang si Umale ay pinagbabaril ng apat na gunmen noong Marso 16 habang naghihintay ng elevator sa kanyang pagmamay-aring Pearl Plaza sa may Ortigas, Pasig City. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa ulo at batok ng apat na gunmen habang ang dalawa ay nagsilbing look-out. Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyong bala ng kalibre .45 baril.
Si Marasigan naman ay tinambangan sa kanto ng A. Luna at E. Jacinto Sts., Brgy. Malinao noong Marso 29 habang sakay ng kanyang Pajero papasok sa kanyang tanggapan sa Camp Crame. Siya ay nagtamo ng walong tama ng bala mula sa apat na gunmen habang dalawa pa ang nagsilbi ring lookout. Labing-isang basyo ng bala mula kalibre .45 baril ang nakuha sa crime scene.
Ilan sa tinitingnang motibo sa pamamaslang dito ay ang pagkakadiskubre ng shabu tiangge na sinalakay ng pulisya sa Mapayapa Compound, Brgy. Sto. Tomas, matapos na magbigay ito ng listahan ng mga pulis na protektor sa lugar kay Congressman Robert "Dudut" Jaworski Jr. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest