^

Metro

Konseho ng Maynila bubusisiin ang oil spill sa Pandacan depot

-
Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Konseho ng Maynila sa naganap na pag-apaw ng langis sa Pandacan oil depot noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos na pumasa ang resolusyon ni Councilor Lourdes "Bonjay" Isip na humihingi ng malalim na pagsisiyasat sa naturang insidente noong Marso 23, 2006.

Sinabi ni Kon. Bonjay na ang nasabing imbestigasyon ay gagawin ng buong Konseho o "Committee of the Whole" sa susunod na linggo.

Iginiit pa nito na kailangang imbestigahang mabuti ang pangyayari sa "basin" ng tanke na may 24,000 bariles ng gasolina na maaaring magdulot ng malaking kapahamakan at malaking pinsala sa mga residente ng Pandacan at maging sa publiko.

Lumalabas din sa pag-aaral ng eksperto na ang depot ay delikado sapagkat maliit na pagkakamali ay maaaring magpasiklab sa lugar at kapag sumabog ito ay babaha ng liquid fuel sa Ilog-Pasig kaya’t manganganib ang mga barko at masisira ang ekolohiya.

Bukod dito, dapat magbigay ng eksplanasyon ang mga higanteng kompanya ng langis tulad ng Caltex, Shell at Petron na siyang nangangasiwa sa depot kung ano ang tunay na nangyari at nagkaroon ng "spill over" ng gasolina. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BONJAY

BUKOD

CALTEX

COMMITTEE OF THE WHOLE

COUNCILOR LOURDES

GEMMA AMARGO-GARCIA

IGINIIT

KONSEHO

PANDACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with