^

Metro

P4-milyon sports car tinangay ng mga carjacker

-
Muli na namang sumalakay ang isang sindikato ng carjack matapos na puwersahang tangayin ang isang sports car na nagkakahalaga ng may P4 milyon sa lungsod ng Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa MPD Anti-Carnapping Section ang biktimang si Mark Filanberg, 21, estudyante, at residente ng Block 49, Lot 1, Atis St., Brgy. Rizal, Makati City.

Agad namang nagpalabas ng alarma ang MPD sa lahat ng unit at ibang police district upang madakip ang apat na armadong suspect matapos na tangayin ang gray na Mercedes Benz SIX Roadster sedan (WOM-123) ng biktima.

Sa ulat ni Filanberg, nagmamaneho siya dakong alas-10:30 ng gabi nang mapahinto siya sa isang red light sa may panulukan ng Solano at P. Casal Sts., Quiapo.

Nagbukas ang biktima ng bintana at naninigarilyo nang biglang lapitan ng apat na suspect at tutukan siya ng baril. Agad siyang pinalabas ng mga suspect at tinangay ang kanyang kotse ng dalawa sa mga ito habang tumakas naman ang dalawa na sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad na humingi ng saklolo si Filanberg sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung saan nagpalabas ng alarma upang masabat ang tinangay na sasakyan.

Sa kabila nito, bigo ang pulisya na maharang ang tinangay na sasakyan at madakip ang mga suspect. (Danilo Garcia)

ANTI-CARNAPPING SECTION

ATIS ST.

BRGY

CASAL STS

DANILO GARCIA

DUMULOG

FILANBERG

MAKATI CITY

MARK FILANBERG

MERCEDES BENZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with