Major dedo sa ambush
March 30, 2006 | 12:00am
Patay ang isang police major makaraang tambangan at pagbabarilin ito ng anim na armadong kalalakihan habang sakay ng kanyang Pajero, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Kinilala ang biktima na si Chief Inspector Renato Marasigan, 53, residente ng M. Santos St., Brgy. Malinao at nakadestino sa Internal Affair Service (IAS) ng Camp Crame, ito ay agarang namatay makaraang magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Nabatid na si Marasigan ay nakatalaga sa 3-man team ng PNP-IAS na nag-iimbestiga sa kasong administratibo ng mga pulis na sangkot sa carjack-slay.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:05 ng umaga habang sakay sa kanyang kulay puting Mitsubishi Pajero na may plakang RAM-113 ang biktima papasok sa kanyang opisina sa Camp Crame.
Pagdaan nito sa may kanto ng A. Luna at Jobson Sts. sa Brgy. Malinao ay biglang sumulpot sa kanyang harapan ang anim na armadong kalalakihan, apat sa mga ito ay pumalibot sa sasakyan ng pulis habang ang dalawa ay nagsilbing look-out.
Ilang sandali pa ay niratrat na ng mga suspect ang sasakyan ng biktima at matapos na matiyak na patay na ang biktima ay naglakad lamang na umalis ang mga suspect at saka sa di kalayuan ay doon sumakay sa isang pampasaherong jeep patungong Pateros.
Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang may 11 basyo ng bala ng kalibre .45 baril.
Ayon kay Senior Supt. Romeo Abaring, OIC ng Pasig City Police na planado at pinag-aralang mabuti ang ginawang pagpaslang sa biktima .
Naniniwala naman si EPD chief Charlemagne Alejandrino na kagagawan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang naganap na pag-ambush na nagdiwang ng kanilang anibersaryo kahapon.
Kinontra naman ito ng maybahay ng biktima na si Venus Marasigan at sinabing hindi siya naniniwalang NPA ang may gawa nito. Nagbigay din ng pahayag si NPA Spokesman Rogelio "Ka Roger" Rosal na hindi sila ang pumaslang sa nabanggit na parak.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya sa insidente, kasabay nang pagpapalabas sa cartographic sketch ng dalawa sa mga suspect. (Edwin Balasa At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended