Rookie cop patay sa holdaper
March 29, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang bagitong pulis makaraang barilin at pagsasaksakin ng dalawang holdaper na nakasagupa nito, kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa , Maynila
Nasawi habang ginagamot sa Lourdes Hospital ang pulis na nakilalang si PO1 Randy Pe, nakatalaga sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.
Isa lamang sa mga suspect ang nadakip. Ito ay nakilalang si Joseph Asilan, 35, tubong Negros Occidental, at residente ng 1227 Zaragosa St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa may V. Francisco St., Sta. Mesa kung saan hinabol umano ni Pe ang tatlong hinihinalang holdaper.
Nakorner ni Pe ang isa sa mga ito at nang akma ng poposasan ay sumulpot buhat sa kanyang likuran ang isa pa sa mga suspect at saka siya sinaksak sa likuran. Kinuha rin nito ang service firearm ng pulis na binaril pa sa biktima.
Nasaksihan naman ng ilang istambay ang insidente at pinagbabato ang mga suspect na mabilis na tumakas. Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga rumespondeng elemento ng Police Station 8 bumalik sa lugar ang suspect na si Asilan na nakilala ng mga saksi sanhi upang arestuhin ito.
Sa loob ng istasyon, itinanggi ni Asilan na isa siya sa mga suspect at hindi siya holdaper dahil may disente siyang trabaho. Sinabi nito na posibleng napagkamalan lamang siya o maaaring kamukha niya ang sinasabing suspect ng mga witness. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended