MRT 3 araw titigil
March 28, 2006 | 12:00am
Ititigil ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) ng tatlong araw ang kanilang biyahe bilang paggunita sa Mahal na araw sa susunod na buwan.
Ayon kay Ronnie Bacolod, chief operation ng MRT, ititigil nila ang kanilang operasyon sa darating na Abril 13 hanggang 15 (Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria) bilang paggunita sa Semana Santa.
Sa Abril 16, Linggo ng Pagkabuhay, ay itutuloy na nila ang kanilang normal operation. Ang nasabing tren ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDA mula North EDSA sa Quezon City hanggang sa Pasay Taft.
Dagdag pa ni Bacolod na sa kanilang gagawing tigil operasyon ay sasamantalahin na rin nila ang pagkakataon at kanila ring lilinisin ang lahat ng couches.
Sinabi rin ng MRT na kahit wala silang operasyon ay patuloy pa rin ang gagawing pagbabantay ng may 300 tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga istasyon, bukod pa sa mga security guard ng tren.
Ang MRT ay nakakapagsakay ng umaabot sa 400,000 pasahero sa kanilang daily operation.
Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) na pinag-aaralan pa nila kung susunod din sila sa ginawa ng MRT. Ngayong araw na ito ay magsasagawa pa sila ng pagpupulong upang talakayin ang tigil-pasada. Hindi pa makapagbigay ng detalye ang LRT kung ititigil din nila ang kanilang operasyon sa darating na Semana Santa. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended