^

Metro

Ginang lasog sa tren

-
Isang 30-anyos na ginang ang nagbuwis ng kanyang buhay makaraang sagipin nito ang 2-anyos niyang anak na siya sanang masasagasaan ng tren, kahapon ng umaga sa Taguig City.

Nasawi noon din ang ginang na si Liza Pamen, ng TUP Compound Brgy. Western Bicutan ng nasabing lungsod.

Ayon sa pahayag ng isang alyas Jinggoy, purok lider sa Taguig City Traffic Enforcement Unit, naganap ang trahedya dakong alas-7 ng umaga sa PNR Site, Brgy. Western Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalakad ang mag-ina nang biglang humulagpos sa pagkakakapit at saka nagtatakbo ang kanyang anak na babae hanggang sa tumawid sa riles ng tren.

Isang tren ang paparating kung saan nataranta ang ginang at upang iligtas ang kanyang anak ay itinulak niya ito.

Bagamat nakaligtas ang bata, minalas namang mahagip ng tren ang ginang na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam pa ng pulisya ang body number at kung sino ang operator ng nasabing tren na kaagad na tumakas matapos ang insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

BRGY

COMPOUND BRGY

ISANG

LIZA PAMEN

LORDETH BONILLA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with