Stall owners sa 168 tinaningan ng BIR
March 24, 2006 | 12:00am
Binigyan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng sampung araw ang may 35 stall owners sa 168 mall sa Binondo, Maynila na ayusin ang operasyon kundi ay tuluyan nilang ipapasara.
Ito ang banta ni BIR Commissioner Jose Mario Bunag makaraang mapatunayan na ang naturang mga stall owners ay lumabag sa mga batas at patakaran ng ahensiya tulad ng bookkeeping, invoicing at registration requirements ng BIR.
Kaugnay nito, binalaan na rin ni Bunag ang iba pang stall owners na tupdin ang patakaran ng ahensiya upang hindi maparusahan.
Unang nagsagawa ng Tax Compliance Verification Drive (TCVD) o tax mapping operations ang mga elemento ng BIR sa naturang mall bunsod na rin ng mga report na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga stall owners dito.
Pinaalalahanan ni Bunag ang management ng 168 mall na abisuhan ang mga lessess na magbayad ng tamang buwis para hindi maapektuhan ang kanilang operasyon. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended