^

Metro

Lalaking may diprensiya sa pag-iisip, sinilaban ang sarili

-
Natusta ang isang 30-anyos na lalaki na may kapansanan sa pag-iisip makaraang kasama itong masunog sa sarili niyang kama na kanyang sinilaban sa loob ng pinagkukulungan niyang kuwarto, kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Nagtamo ng 4th degree burn at hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Edmund Arellano, ng Adelfa St., Merville Subd., Tanza, nabanggit na bayan.

Batay sa ulat ni PO3 Rafael Espadero, may hawak ng kaso dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng kuwarto ng biktima.

Bago ang insidente ay isa sa mga kaanak ng biktima ang nakaiwan ng lighter sa kuwarto ng huli na ginamit nito sa pagsilab sa kanyang kama.

Huli na nang mapansin ng mga kasambahay ng biktima ang nangyayaring sunog sa loob ng kuwarto nang marinig ang paghuhumiyaw nito sanhi ng matinding apoy dulot ng nasusunog na kutson ng kanyang kama.

Hindi naman umano agad nakalabas ang biktima dahil sa nakasara sa labas ang pinto ng kuwarto nito.

Inamin naman sa pulisya ng mga kaanak ng nasawi na mahigit sa tatlong taon ng may kapansanan sa pag-iisip si Edmund at kapag sinusumpong ito ay nagiging bayolente kung kaya’t ikinukulong nila ito sa kanyang kuwarto. (Rose Tamayo-Tesoro)

ADELFA ST.

BATAY

EDMUND

EDMUND ARELLANO

HULI

INAMIN

MERVILLE SUBD

RAFAEL ESPADERO

ROSE TAMAYO-TESORO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with