Mayamang Tsinoy nakatakas sa kidnappers
March 24, 2006 | 12:00am
Tatlong oras matapos na dukutin, nagawang makatakas ng isang mayamang negosyanteng Fil-Chinese sa hideout ng kanyang mga kidnapper sa Corinthian Garden sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Sinabi ni Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) Chief Deputy Director General Oscar Calderon, bandang ala-1:45 ng madaling-araw nang makatakas ang biktimang si William Hao, 57, ng nasabi ring subdibisyon.
Arestado naman sa follow-up operation ang suspect na si Sherwyn Ang, 25, dakong alas-6 ng umaga kahapon sa tahanan nito sa 11 Tabuena St., habang patuloy naman ang isinasagawang operasyon sa iba pang kasamahan nito kabilang si Michelle Luna, kanyang girlfriend.
Sinabi ni Calderon na sinamantala ni Hao ang pagkakataon matapos siyang iwanang mag-isa ng kanyang mga abductors.
Nabatid na ang biktima ay dinukot ng suspect at ng girlfriend nito habang nagja-jogging sa loob ng nasabing subdibisyon kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay isinakay sa isang asul na Toyota Corolla na may plakang URX-720 at saka itinago sa kanilang safehouse sa loob din ng subdibisyon.
Ang mga kidnapper ay humihingi ng P20 milyon ransom sa pamilya ni Hao kapalit ng kalayaan nito.
Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping-for-ransom at illegal detention ang nasakoteng kidnaper habang puspusan ang isinasagawang manhunt laban sa iba pa nitong mga kasamahan na sinasabing grupo rin ng mga Chinese.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended