Ayon kay Anak Mindanao Partylist Representative Mujib Hataman na ang aksyon ay kanilang isasagawa matapos nilang matanggap ang ulat ng Commission on Human Rights (CHR) na overkill umano ang ginawa ng mga awtoridad sa mga presong Abu Sayyaf.
Sa panig naman ng CHR sinabi ni Commissioner Wilhem Soriano na lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng excessive force sa hanay ng mga pulis nang pasukin ng mga ito ang Bicutan Jail noong Marso noong nakaraang taon.
Responsable umano ang mga nasabing opisyal dahil ang mga ito ang namuno nang isagawa ang pagsalakay sa Bicutan jail
Inihahanda na nila ang kaso laban sa mga nabanggit. Matatandaan na noong taong 2005, nasawi at nasugatan ang mga presong ASG makaraang i-hostage at patayin nila ang mga nakatalagang guwardiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at kapwa nila mga preso. (Lordeth Bonilla, Doris Franche at Edwin Balasa)