^

Metro

9 na highway robbers tugis

-
Isang malawakang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng pulisya laban sa siyam na kalalakihan na nangholdap sa isang bus ng Philippine Rabbit sa kahabaan ng North Expressway kung saan ilan sa mga ito ay bumaba sa Quezon City.

Ayon sa bus driver na si Rodelio Cabrera, sumakay ang mga suspect sa kanilang terminal sa Angeles City at sa Dau naman nagdeklara ng holdap sa loob ng bus.

Ang mga suspect ay armado ng granada, iba’t ibang kalibre ng baril at patalim.

Sinabi ni Cabrera na hindi naman niya matingnan ang mga mukha ng mga suspect dahil isa sa mga ito ang nagtutok ng baril sa kanyang leeg at inutusan siyang magmaneho na lamang ng bus.

Dito ay kinuha ng mga suspect ang kanilang kita at mga personal na gamit ng may 40 pasahero.

Lumilitaw na nagpaputok din ng baril ang isa sa mga suspect at wala namang naiulat na tinamaan ng baril.

Anim sa mga suspect ay bumaba sa 11th Avenue habang ang iba naman ay nagsibaba sa Balintawak.

Wala namang matukoy pa ang pulisya kung anong grupo ang nagsagawa ng panghoholdap. (Doris Franche)

ANGELES CITY

AYON

BALINTAWAK

CABRERA

DORIS FRANCHE

NORTH EXPRESSWAY

PHILIPPINE RABBIT

QUEZON CITY

RODELIO CABRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with