^

Metro

3 humoldap sa money changing shop arestado

-
Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng pulisya ang tatlo sa apat na suspect na nangholdap sa dalawang empleyado ng money changing shop sa Ermita, Manila kamakalawa ng hapon.

Isinasailalim na sa masusing interogasyon ang mga nadakip na suspect na sina Asaal Jailani, Jerry Naning at Abu Bakar Ahmad. Patuloy na pinaghahanap naman ang kasamahan nila na nakilala lamang sa alyas na Jack.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang panloloob dakong alas-3:40 ng hapon nitong Lunes sa may panulukan ng Singalong at Maligaya St., Malate.

Nabatid na inutusan ni Latip Insani, 39, may-ari ng Ichi ban money changing shop ang kanyang mga tauhan na sina Ferdinand Darantiano at Asaal Jailani na mag-withdraw ng pera sa BPI at Asia Trust banks sa Makati na aabot sa P2 milyon.

Pabalik na sa naturang shop ang dalawa matapos na mag-withdraw nang harangin ng mga suspect at tutukan ng baril sabay tangay sa naturang pera.

Sa interogasyon sa dalawang empleyado, inamin ni Jailani na sangkot siya sa mga suspect at pinlano nila ang panghoholdap. Kinilala naman nito ang kanyang mga kasamahan kaya agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya.

Nadakip sa Baywalk, Malate ang suspect na si Abu Bakar Ahmad at Naning. Inamin naman ng mga ito ang kanilang partisipasyon sa naturang krimen.

Narekober naman sa loob ng inuupahang kuwarto nito sa Longwood Hotel sa Pasay City ang P517,000 halaga ng salapi na bahagi ng tinangay ng mga suspect. (Danilo Garcia)

ABU BAKAR AHMAD

ASAAL JAILANI

ASIA TRUST

DANILO GARCIA

FERDINAND DARANTIANO

JERRY NANING

LATIP INSANI

LONGWOOD HOTEL

MALIGAYA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with