^

Metro

Trader nilooban na, pinatay pa

-
Patay ang isang 36-anyos na negosyante makaraang manlaban sa mga armadong kalalakihan na nanloob sa kanyang bahay, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at balikat ang biktimang si Jose Sape, may-ari ng isang junkshop at residente ng 285 Market Avenue, Brgy. Palatiw ng nabanggit na lungsod.

Samantala, mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang ginawang pamamaril.

Ayon kay Sr. Supt. Romeo Abaring, OIC ng Pasig City police naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga nang pasukin ng dalawa sa mga suspect ang bahay ng biktima, habang ang isa pa sa mga ito ay nagsilbing lookout sa harap ng gate.

Nabatid sa mga saksi na agad na tinutukan ng baril ng mga suspect ang biktima at pilit na hinihingi ang pera na kinita nito sa junkshop subalit imbes na magbigay ay nanlaban ang huli at tinangka pang agawin ang baril ng isa sa mga suspect kaya pinaputukan siya ng kasama nito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga ito sakay ng kanilang motorsiklo habang kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas.

Isang manhunt operation ang isinagawa ng pulisya para sa agarang pagkakaaresto ng mga suspect. (Edwin Balasa)

AYON

BRGY

EDWIN BALASA

JOSE SAPE

MARKET AVENUE

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

ROMEO ABARING

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with