Mag-aaral ng daycare, umalma sa babuyan
March 20, 2006 | 12:00am
Pinangangambahan na maapektuhan ang kalusugan ng mga batang nag-aaral sa isang daycare center dulot ng mabahong amoy na nagmumula sa babuyan na pag-aari ng isang barangay captain sa Pasay City.
Ayon sa mga magulang ng mga batang nag-aaral lubhang nakaka-apekto sa kalusugan ng kanilang mga anak ang pag-aalaga ng 18 baboy ni Brgy. Captain Agustin Morgan sa loob mismo ng brgy. hall sa Apelo Cruz St.
Dahil dito agad namang inutos ni Pasay City Mayor Wenceslao Trinidad ang pagpapatanggal sa mga alagaing baboy upang maiwasan ang anumang sakit dulot nito.
Subalit ikinatwiran naman ni Morgan na minana lamang niya ang pag-aalaga ng baboy sa dating barangay chairman nito.
Sinabi ni Trinidad na kung hindi susunod si Morgan ay mapipilitan itong kasuhan ng paglabag sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaan lokal ng Pasay kaugnay na rin ng kalinisan sa lungsod. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended