^

Metro

Mga takaw-sunog sa QC, hiling aksiyunan

-
Nanawagan kahapon ang mga residente ng Quezon City sa pamunuan ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG), at kay Mayor Feliciano Belmonte na busisiin ang operasyon ng mga gusaling ‘fire hazard’ sa lungsod.

Ang nasabing hakbang ay partikular na idinulog ng mga residente ng Novaliches kay DILG Undersecretary at Bureau of Fire (BFP) Chair Marius Corpus at Mayor Belmonte sa gitna ng selebrasyon ng buwan ng "Fire Safety and Protection" ng BFP sa ilalim ng DILG.

Ilan sa mga inirereklamo ng mga residente ay ang umano’y kawalan ng sprinklers at iba pang mga fire precautionary measures ng ilang mga high rise hotels at motels ng lungsod.

Hinikayat rin ng mga residente ang mga nabanggit na opisyales na agad aksiyunan ang kanilang apela upang anila’y mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga residenteng kalapit-lugar ng mga takaw-sunog na mga gusali ng lungsod sa pinsalang idudulot ng mga ito sa kanilang buhay at mga ari-arian.

Layunin din ng mga residente na huwag nang maulit pa ang naganap sa Manor Hotel sa Kamuning, Quezon City kung saan ay maraming tao ang namatay at nasugatan.

Kabilang sa mga ipinapasiyasat ng mga residente ay ang Hotel Mokko, Nova Hotel, Luxor Hotel at Blazing Woods na anila’y banta at panganib sa kanilang buhay dahil sa kakulangan umano ng fire precautionary measures ng mga ito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

BLAZING WOODS

BUREAU OF FIRE

CHAIR MARIUS CORPUS

FIRE SAFETY AND PROTECTION

HOTEL MOKKO

LUXOR HOTEL

MANOR HOTEL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with