Parolado balik kalaboso
March 18, 2006 | 12:00am
Muling humimas sa rehas ng bakal ang isang 45-anyos na parolado makaraang gripuhan nito ang kanyang kaibigan nang mapikon ang una sa biro ng huli, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.
Kasalukuyang nakaratay sa Tondo Medical Center si Gaudencio Tengson, 35, may-asawa, ng A. Cruz St., Brgy. Tangos, habang naaresto naman ang suspect na si Geronimo Arellano, 45, isang parolado at kalugar ng biktima.
Batay sa ulat ni PO2 Rafael Espadero, may hawak ng kaso, dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, masayang nagtungo ang suspect sa bahay ng biktima upang yayain na uminom dahil kalalaya lamang nito mula sa New Bilibid Prison matapos mabigyan ng parole.
Nang kapwa malasing ay hindi sinasadyang makapagbiro ng biktima ng mga katagang "magbalik ka sa loob" na hindi nagustuhan ng huli hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at humantong sa pagsusuntukan.
Sa gitna ng duwelo ay hindi sinasadyang makadampot ng matulis na bakal ang suspect at undayan ng saksak ang kaibigan sa tiyan at duguang bumagsak sa kalsada.
Dala ng matagal na pagkakaibigan ay humingi pa ng tulong ang suspect sa mga kapitbahay ng biktima upang maisugod sa pagamutan ang huli bago nagtangkang tumakas subalit agad na naaresto ng mga nagrorondang tanod. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended