Bahay ng gambling lord niratrat
March 17, 2006 | 12:00am
Dalawang armadong kalalakihan ang rumatrat sa bahay ng isang negosyante na pinaghihinalaan nilang gambling lord na ikinadamay din ng kotse ng kapitbahay nito, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Ayon sa biktimang si Elmer Nosa, 43, negosyante at residente ng 108 Dragon St., Midtown Subd., Brgy. San Roque, dakong alas-8 ng umaga nang bigla na lamang paulanan ng bala ang bahay nila ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo.
Hindi pa nakuntento ay pinagbabaril din ng mga suspect ang isang silver na Nissan Sentra na may plakang WGC-631 na nakaparada sa kalsada ng pag-aari ng kanilang kapitbahay na si Susan Sibugan.
Matapos ang ilang sandali ay mabilis na pinaharurot ng mga suspect ang sinasakyang motorsiklo patungo sa hindi mabatid na lugar.
Agad namang rumesponde ang pulisya sa lugar ng insidente subalit hindi na nila naabutan pa ang mga suspect at nakuha sa lugar ng insidente ang isang papel na nagsasaad ng "Lumayas ka ng Marikina! Gambling lord ka! Sa susunod, para sa iyo na ang mga bala na ito!" na patukoy kay Nosa.
Itinanggi naman ni Nosa ang paratang sa kanya at sinabing pangkaraniwang negosyante lang umano siya at hindi gambling lord. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended