Negosyante patay sa ambush
March 17, 2006 | 12:00am
Patay ang isang kilalang negosyante makaraang tambangan ito ng apat na hindi pa kilalang armadong kalalakihan sa harap ng kanyang gusali, kahapon bago magtanghali sa Ortigas, Pasig City.
Kinilala ang biktimang si Leonardo Umali, may-ari ng Pearl Plaza na matatagpuan sa 811 Pearl Drive, Ortigas, ng lungsod na ito.
Agad namang umalis ang apat na suspect na napag-alamang pawang armado ng kalibre .45 baril at naglakad lang palayo sa lugar matapos ang insidente.
Batay sa nakalap na pahayag ng mga saksi, naganap alas-11:45 bago magtanghali nang bumaba sa kanyang Mercedez Benz na may plakang LLL-801 si Umali upang magtungo sa kanyang tanggapan sa ika-5 palapag ng Pearl Plaza.
Pagtapat sa pintuan ng establisimiyento ng biktima ay bigla na lamang pinaputukan ito ng mga suspect na naghihintay na pala sa isang coffee shop.
Narekober sa lugar ng insidente ang 5 basyo ng bala ng kalibre .45 baril at sa itsura ng pinangyarihan ay nagkalat doon ang dugo at utak ng biktima.
Isa sa sinisilip na anggulo ng pulisya ay awayan sa negosyo habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon para sa agarang pagkalutas ng kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended