Inakalang holdap: OFW tumalon sa jeep, dedo
March 16, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 39-anyos na overseas Filipino worker (OFW) nang tumalon sa isang pampasaherong jeep na inakala nitong hoholdapin kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Idineklarang dead-on-arrival sa V. Luna Hospital ang biktimang si Flordeliza Cervantes ng Bago Bantay, Quezon City matapos na mabagok ang ulo sa sementadong daan habang arestado naman ang driver na si Gaudencio Aguilar ng Batasan Hills, Quezon City.
Ayon kay SPO1 Venus Ormita ng QC Traffic Sector 5, sakay ang biktima ng pampasaherong jeep na may rutang Fairview-Delta dakong alas-11:30 ng gabi.
Tumatakbo ang jeep nang bigla itong tumalon nang may sumakay na dalawang lalaking pasahero sa tapat ng Fairview wet market kung kayat agad niyang inihinto ang minamanehong jeep.
Ayon sa pulisya, posibleng inakala ng biktima na hoholdapin siya ng mga kapwa pasahero kung kayat bigla itong lumundag papalabas ng jeep.
Isinasailalim pa rin sa imbestigasyon si Aguilar upang masampahan ng kaukulang kaso. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am