Anak ni Darius Razon patay sa aksidente
March 16, 2006 | 12:00am
Malagim ang naging kamatayan ng anak ng dating singer at dating Mandaluyong Councilor na si Darius Razon makaraang mabangga ito ng isang 10-wheeler truck na ikinasugat nang malubha ng kasama nito kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Patay na nang idating sa UERM Hospital si Denver Razon, 29, habang nasa kritikal na kondisyon naman sa Lourdes Hospital ang kaibigan nitong si Marian Bustillos, 23, ng MRC St., Saint Martin Village, Talipapa, Quezon City.
Ayon kay SPO3 Perlito Datu ng QCPD-Traffic Sector 4, dakong ala-1:36 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Araneta Avenue.
Nabatid na galing ang mga biktima sa lamay ng namatay na si Seferino Sotto, tiyuhin umano ni Razon sa National Funeral Homes.
Bigla umanong nabangga ng 10-wheeler truck na may plakang PLY-753 na minamaneho ng hindi pa nakikilalang suspect ang Honda Civic ng mga biktima na may plate no. WAJ-920 hanggang sa mawalan ng kontrol.
Lumilitaw na sumampa sa gutter ang sasakyan ng mga biktima at humampas sa poste ng Meralco.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa tumakas na sakay ng truck.
Matatandaan na isa ring anak ng dating singer ang namatay matapos na makulong sa sunog sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City noong 1997.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended