Ilog Pasig pagkukunan na rin ng tubig para sa MM
March 14, 2006 | 12:00am
Nakatuon ngayon ang pansin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Ilog Pasig at iba pang watersheds na maaaring mapagkunan ng malinis na inuming tubig para sa mga residente sa Metro Manila at mga karatig lugar. Ito ay upang matugunan ang inaasahang pagkonti pa ng supply ng tubig sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagbaba ng water level sa mga dam na pinagmumulan ng supply.
Kaugnay nito, pinakilos ni DENR Secretary Angelo Reyes ang binuong grupo sa ahensiya upang magsagawa ng pagsaliksik para makahanap ng mga maaaring mapagkunan ng suplay ng malinis na tubig. Dalawampu ang ilog sa Metro Manila na hindi napapakinabangan ang puntirya ng DENR para buhayin at magamit para sa programang ito. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended