ASG bomber, tiklo sa Valenzuela
March 13, 2006 | 12:00am
Isang miyembro ng Rajah Solaiman ng Abu Sayyaf Group na pinaniniwalaang bomb expert at nagpaplano umanong maghasik ng kaguluhan ang nahuli kamakalawa ng hapon ng mga tahan ng Quezon City Police District sa Valenzuela City.
Ayon kay Supt. James Brillantes, hepe ng QCPD-District Intelligence and Investigation Division, ang ASG member na si Ali Ambing ay bihasa umano sa paggawa ng bomba kung saan ito ang gumawa ng mga bombang ipinasabog sa ilang lugar sa Kamaynilaan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang hide-out ni Ambing dakong alas-5:30 ng hapon sa no. 219 M. Uruttia St. Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.
Nauna rito, nagsasagawa ng anti-terrorism operation ang pulisya sa Ever Gotesco, Commonwealth nang mamataan ang suspect na nakikipag-usap sa iba pang bomb experts.
Subalit agad ding nagpulasan ang mga ito nang mapansin ang mga pulis hanggang sa sundan ang lugar na pinagtataguan ni Ambing.
Ilan umano sa mga bombang ginawa ni Ambing ay pinasabog sa 2005 Valentines Day bombing sa Makati, Super Ferry bombing, Fort del Pilar, Zamboanga City, at Malagutay, Zamboanga City na ikinamatay ng dalawang Amerikano.
Nakuha mula sa suspect ang PNP uniforms, mga sangkap sa paggawa ng pampasabog, larawan ng mga suspected bombers partikular na si Madznul Lada na kasalukuyang nakapiit sa Bicutan Jail.
Lumilitaw na may pending case din si Ambing sa Pasig City RTC kaugnay ng nakabinbin nitong kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention.
Si Ambing ay nakatakdang iharap sa media ngayong araw. (Doris Franche at Rose Tamayo Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended